
Pasabog ang lineup ng mga artista at personalidad na maglalaro sa explosive pre-anniversary week special ng Family Feud simula ngayong Lunes, March 11 hanggang sa Biyernes March 15.
Sa isang interview, proud na ibinahagi ng game master na si Dingdong Dantes sa GMANetwork.com na two years strong na ang Family Feud at excited pa siya sa mga mangyayari sa programa.
Aniya, “Hindi namin akalain na aabot ng ganito, two years na ang Family Feud. Dalawang taon nang nagbibigay halos araw-araw ng entertainment sa ating mga manonood kaya napakasaya ko na maging bahagi ng show na 'to. Nag-eenjoy talaga ako habang ginagawa 'to. Kaya sana po maki-celebrate kayo kasama namin dahil gusto pa namin na mas tumagal pa itong show na 'to.”
Ayon pa kay Dingdong, pinaghandaan nila ang pre-anniversary week, at anniversary special ng game show kung saan exciting ang mga player na maglalaro, kabilang na rito ang kaniya raw anak-anakan na si Jayda Avanzado - anak ng singer at katukayo niyang si Dingdong Avanzado.
“Every week may mga sorpresa tayong ipapakita sa kanila. Mula sa umpisa siyempre nandiyan 'yung reunion ng Bubble Gang 'di ba? 'Yung aking anak-anakan na si Jayda -- Jayda Avanzado. Napagkakamalan kasi na Dingdong Avanzado at saka Dingdong Dantes napakasayang usapan namin ni Jayda 'yan,” natatawang sinabi ni Dingdong.
Matatandaan kasi na nag-viral kamakailan ang komento ng isang netizen sa TikTok video ng dalang singer-actress kung saan napagkamalan siyang anak ng Kapuso host.
“Ganda kamukha mo dad mo si dingdong dantes,” comment ng netizen.
Hindi naman napigilan ni Jayda na hindi mag-react dito. “Maraming salamat po, pero disclaimer lang, hindi po ako anak ni Dingdong Dantes, ibang Dingdong ang tatay ko,” sagot ni Jayda.
@jedijayda Replying to @Ranmaru Mori Ah eh…okay na po sana…kaso…😅 (Pero shoutout talaga kay @Dong Dantes, ang galing nya talaga sa #rewind #rewindmmff ♬ sa susunod na habang buhay ben and ben - REINA
Samantala, asahan din daw sa pre-anniversary week special ang paglalaro ng ilang mga banda from '90s at early 2000s at maging ang reunion ng mga sikat na artista noon.
“Nandiyan din 'yung mga banda na sinubaybayan natin noong early 2000s at '90s [gaya ng] Rocksteddy, Barbie's Cradle at mga iconic artist makikita talaga natin dito sa ating pre-anniversary special,” ani Dingdong.
Dagdag pa niya, “Plus pagdating talaga sa mga main anniversary week 'yung reunion ng TV shows, reunion ng mga magbabarkada dito natin gagawin, throwback, iconic personalities na talagang hinangaan natin noon hanggang ngayon makikita natin dito sa Family Feud.”
Tumutok sa pre-anniversary week special ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA bago ang 24 Oras.