GMA Logo Dingdong Dantes, Family Feud
What's on TV

Dingdong Dantes, thankful sa 2nd anniversary ng 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published March 18, 2024 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes, Family Feud


Dingdong Dantes sa 2nd anniversary ng 'Family Feud': “Maraming salamat sa inyo dahil po sa inyong suporta dalawang taon na tayo.”

Mapapanood na ang pasabog at exciting anniversary week special ng pinakamasayang game show sa buong mundo, ang all-new Family Feud simula ngayong Lunes, March 18.

Ang box-office king at game master na si Dingdong Dantes hindi makapaniwala na two years strong na ang kanilang programa.

“Hindi namin akalain na aabot ng ganito, two years na ang Family Feud - dalawang taon nang nagbibigay weeknights halos araw-araw ng entertainment sa ating mga manonood kaya napakasaya ko na maging bahagi ng show na 'to.

“Nag-e-enjoy talaga ako habang ginagawa 'to. Kaya sana po maki-celebrate kayo kasama namin dahil gusto pa namin na mas tumagal pa itong show na 'to,” sabi ni Dingdong sa GMANetwork.com.

Ayon pa kay Dingdong, sa second year ng Family Feud, asahan ang exciting lineup ng studio players at ang mga nakakatuwa at nakakatarantang survey questions.

Aniya, “Well, siyempre unang-una 'yung mga tanong bago 'yan every day, talagang ito'y ni-research talaga natin at tinanong sa 100 na tao. Araw-araw fresh talaga 'yung set of questions.

“'Yung mga guests natin 'yun talaga ang buhay ng ating show dahil may mga taong gusto nating makita 'di ba let's say yung mga matagal na nating hindi nakikita o kaya napapanood, ngayon e kapag naglaro na sila makikita mo 'yung ibang side nila 'di ba? Halimbawa 'yung mga artistang paborito natin pero kapag naglalaro na nag-iiba na sila nagiging parang, 'Uy parang ganyan din ako mag-isip.' Bilang fan nila nakakatuwa na makita sila dito sa entablado sa game show.”

Buong linggo ang kasiyahan kasama ang iba't ibang bigating teams na maglalaro gaya ng cast ng My Guardian Alien, ilan sa members ng Running Man Philippines, team ni Ricci Rivero, iconic Filipino women na sina Juana Change at Tessa Prieto Valdez, pamilya nina Tina Paner at Donita Rose, ilan sa members ng Sparkle 10, at Walang Tulugan.

Samantala, kuwento pa ni Dingdong, “Marami rin akong natututunan sa mga guest dahil nakakausap ko sila e, lalo na siguro 'yung mga first time kong ma-meet. ang pribilehiyo sa akin na makilala sila, makakuwentuhan sila, malaman 'yung thoughts nila whether sa mga bagay na seryoso o sa mga kalokohang bagay lang o sa mga bagay o tanong na sinerbey kasi pati 'yung mga survey questions minsan eye-opener e, may mga bagay na hanggang ngayon nagugulat pa rin ako sa sagot ng mga isang daang taong tinanong.”

Nang tanungin naman si Dingdong kung sino pa ang gusto niyang maglaro sa Family Feud, ito ang kanyang naging sagot, “Siyempre 'yung grupo ng It's Showtime dahil matagal na namin silang inaabangan at sina JenDen [Jennylyn Mercado and Dennis Trillo] kasi dati si Barbie [Forteza] at saka si David [Licauco] naglaro na, si JenDen na lang and of course si Mr. Gabby Concepcion talagang sobrang excited kami na makapag-guest siya dito.”

Nagpapasalamat naman ang TV host sa patuloy na suportang ibinibigay ng mga tao sa Family Feud.

Aniya, “Maraming salamat sa inyo dahil po sa inyong suporta dalawang taon na tayo. Hindi ko na-imagine na aabot ng ganito katagal pero dahil sobrang saya gabi-gabi ng experience dito ay alam natin na magpapatuloy 'to hangga't nandiyan kayo, hangga't nandiyan ang suporta n'yo.

“Kaya sana samahan n'yo po kami sa aming weeklong anniversary special, our second anniversary, hindi lang ngayon hanggang sa mga susunod pang mga year anniversary natin kaya thank you thank you sa ating mga Kapuso.”

Abangan ang unang araw ng anniversary week special ng Family Feud ngayong Lunes, March 18, 5:40 p.m. bago mag-24 Oras sa GMA 7. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page. Worldwide ding itong napapanood via our livestream sa official YouTube channel at sa GMA Network Kapuso Livestream.