GMA Logo Dingdong Dantes
What's on TV

Dingdong Dantes, grateful sa maraming napapasaya ng 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published July 8, 2024 3:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Masaya si Dingdong Dantes sa patuloy na suporta ng mga manonood sa 'Family Feud'.

Grateful si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes dahil maraming napapasaya ang kaniyang weekday game show na Family Feud.

Ngayong Hulyo, may mga bagong sorpresa ang nasabing programa kung saan nasa mahigit 2 million pesos ang papremyong ipamimigay.

Mas pinalawak din ang “Guess To Win” promo ng game show dahil maglalabas na rin ng survey questions sa GMA Afternoon Prime programs na puwedeng salihan ng TV audience.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Dingdong, sinabi niya na committed ang buong produksyon ng Family Feud upang tuloy-tuloy na makapagpasaya ng mga manonood.

Aniya, “Masaya kami na nakakapagpasaya kami lalong-lalo na 'yung mga Kapuso natin hindi lang sa Pilipinas kung 'di all over the world. So ganun na lang talaga 'yung dedication ng buong production team, lahat ng bumubuo ng Family Feud na mas paramihin pa ang mga spicy elements of the show.

“Kagaya ng 'Guess To Win' promo questions ngayon. Dati isa, dalawa, ngayong pito na throughout the day, mapapanood n'yo. So, you know these things really add up to more excitement 'di ba? Para sa ating mga manonood kaya committed tayo rito.”

Nagpapasalamat din si Dingdong sa lahat ng sumusuporta sa Family Feud, “Thank you very much sa lahat ng sumusuporta all over the world. Masaya kami na nag-eenjoy kayo kaya abangan niyo lang po everyday, weekdays, nandito kami para magbigay ng top answers para sa inyo.”

Patuloy lang manood ng Family Feud, 5:40 p.m. bago mag-24 Oras sa GMA 7. Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page at may livestreaming worldwide via the official YouTube channel ng Family Feud at Kapuso Stream.