GMA Logo Mommy Dearest cast
What's on TV

Camille Prats, Shayne Sava, Prince Carlos, at Muriel Lomadilla, panalo ng jackpot sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published February 17, 2025 7:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Mommy Dearest cast


Panalo ang cast ng 'Mommy Dearest' sa 'Family Feud!'

Isang masayang pagkakapanalo ang napanood ngayong February 17 sa Family Feud.

Ngayong Lunes, panalo sa Fast Money Round ng Family Feud ang Team Olive na kinabibilangan ng Mommy Dearest cast na sina Camille Prats, Shayne Sava, Prince Carlos, at Muriel Lomadilla. Sila ay nakapaguwi ng premyong PhP 200,000. Nakakuha rin ng premyo ang kanilang napiling charity organization na Kythe Foundation.


Nakalaban nila sa episode na ito ang co-stars nila sa Mommy Dearest. Mula sa Team Ligaya kabilang sina Amy Austria, Dion Ignacio, Mel Martinez, at Viveika Ravanes.

Ang tandem na sumabak sa Fast Money Round ay sina Shayne at Prince. Panoorin ang kanilang winning moment dito:


Samantala, subaybayan ang "More Tawa, More Saya" episodes ng Family Feud. Huwag rin kalimutang sumali sa Guess to Win promo.