
Ang rising P-Pop girl group na Hiraya ang nanalo ng jackpot prize sa Family Feud.
Ngayong February 26, nagtapat ang P-Pop groups na Hiraya at 1621. Pagkatapos ng kanilang mahaba at nakakakabang tapatan sa survey hulaan, nakakuha ng pinakamataas na puntos ang Hiraya kaya sila ay ang nakapasok sa Fast Money Round.
Pagdating sa Fast Money Round, nakakuha sina Anasity at Joanna ng Hiraya ng 216 points. Kaya naman sila ay nakapaguwi ng PhP 200,000. Nakakuha rin ang kanilang chosen charity na GMA Kapuso Foundation ng cash prize mula sa Family Feud.
Balikan ang winning moment ng Hiraya sa Family Feud.
Samantala, subaybayan ang "More Tawa, More Saya" episodes ng Family Feud. Huwag din kalimutang sumali sa Guess to Win promo para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.