
More Tawa, More Saya, at More Premyo ang napanood sa tapatan ng NCAA Season 100 beach volleyball champions sa third anniversary episode ng Family Feud.
Ngayon March 5, naglaro sa Family Feud ang Emilio Aguinaldo College (EAC) Generals players na sina Paul Justin Say, Jan Ruther Abor, Kenneth Batiancila, at head coach Rodrigo Palmero. Nakatapat nila ang Letran Lady Knights ng Colegio de San Juan de Letran na kinabibilangan nina Gia Marcel Maquilang, Lara Mae Silva, Jogi Maquilang, at head coach Michael Inoferio.
Sa exciting na survey hulaan ng NCAA Season 100 beach volleyball champions ay nakakuha ng pinakamataas na score ang EAC Generals. Sa Fast Money Round ng Family Feud, sumabak ang players na sina Kenneth at Ruther.
Dahil naipanalo nila ang Fast Money Round, nakapaguwi ang EAC Generals ng PhP 200,000. Naipanalo rin nila ang kanilang chosen charity na Bahay Aruga.
Balikan ang winning moment ng EAC Generals at ang kanilang reaksyon sa pagkakapanalo sa Family Feud:
Subaybayan ang More Tawa, More Saya, More Premyo 3rd anniversary episodes ng Family Feud ngayong Marso sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Huwag din kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.