
Hindi nagpahuli sa survey hulaan ang Kids Edition ng Family Feud dahil nakapag-uwi ng jackpot prize ang The Energetic Team.
Ang The Energetic Team ay nanalo ng PhP200,000 dahil nagwagi sila sa "Fast Money" round with 204 points.
Kabilang sa The Energetic Team sina Ericca Laude, Nathaniel Enaje, Meg Montgomery, at Prince Sean. Nagbigay din ang The Energetic Team sa kanilang chosen charity na GMA Kapuso Foundation.
Nakalaban nila ang The Cheerful Team na sina David Sean, Aljon Banaira, Hugo Barrios, at Saphi Yllana.
Balikan ang winning moment ng The Energetic Team sa Family Feud:
Abangan ang More Tawa, More Saya, More Premyo 3rd anniversary episodes ng Family Feud, 5:40 p.m. sa GMA Network at Kapuso Stream. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP20,000.