GMA Logo Family Feud
What's on TV

Mga beteranang aktres at action stars, may Monday tapatan sa 'Family Feud!'

By Maine Aquino
Published May 18, 2025 4:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 29, 2025
No Christmas family visit for Sarah Discaya, says BJMP
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Kilalanin ang mga beteranang aktres at action stars na maghaharap sa exciting na episode ng 'Family Feud' sa May 19.

Sa darating na Lunes, May 19, mga beteranang Pinay actresses at mga aktor mula sa maaaksyong pelikula at teleserye ang maghaharap sa survey hulaan ng Family Feud.

Tampok sa number one game show sa bansa na Family Feud ang team ng Golden Girls. Kabilang dito ang award-winning actress na si Elizabeth Oropesa at sasamahan pa siya ng mga aktres na sina Deborah Sun, Melissa Mendez, at Evangeline Pascual.

Si Elizabeth o 'La Orô' ay nakilala bilang "grand slam actress" dahil sa mga nakuhang parangal mula sa mahusay na pagganap niya sa pelikulang Bulaklak ng Maynila. Samantala, si Deborah ay nakilala sa iconic film na Temptation Island noong 1980. Si Melissa Mendez ay ang paboritong leading lady ng mga action stars noong 1980s habang si Evangeline Pascual ay naging aktres matapos manalong Miss World 1st Runner-up noong 1973.

INSET: 50 and 51

IAT: Family Feud


Makakatapat nila sa Lunes ang team na Iron Men na kinabibilangan naman nina Dan Alvaro, Val Iglesias, Tom Olivar, at Banjo Romero.

Si Dan ay isang mahusay na aktor at kilalang action star na nakatambal ng yumaong Superstar na si Nora Aunor sa pelikulang Condemned noong 1984. Makakasama sa team Iron Men si Val na isa ring beterano ng action films na ngayon ay isa nang stunt director. Bahagi rin ng grupo si Tom na kinilalang Best Supporting Actor sa Bulaklak ng City Jail at isang certified gun safety instructor. Samantala, si Banjo na stuntman-turned-actor ang pang-apat na miyembro ng team Iron Men.

Bukod sa kanilang tapatan sa survey questions, kaabang-abang din ang kuwento ng ating players tungkol sa kanilang mga karanasan noong nagsisimula pa lang sila sa showbiz.

"May Panalo Rito" sa Family Feud kaya tutok na Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.