
Kabilang sa mga nagwaging teams ngayong Mayo ang Team Firefighters sa Family Feud!
Noong Martes (May 27), nanalo ang Team Firefighters sa pinakamasayang family game show sa buong mundo na Family Feud.
Napanood sa Team Firefighters ang volunteers mula sa Trinitarian Fire & Rescue Brotherhood sa Quezon City. Ang kanilang team ay kinabibilangan ng 24-year-old firefighter and medic na si Precious Anne Mistades. Kasama niya sa Team Firefighters ang youngest sa brotherhood na si Matt Mariano Jarmin; ang 26-year-old medic na si Zairine Red Porte; at ang dedicated fireman na si Marlon Diaz Lubay.
Ang naglaro sa Fast Money Round ay sina Zairine at Marlon at sila ay nakakuha ng 230 points. Samantala, naipanalo rin nila ang kanilang chosen charity na Little Sisters of the Abandoned Elderly.
Balikan ang exciting na Fast Money Round ng Team Firefighters dito:
"May Panalo Rito" kaya patuloy na subaybayan ang mga fresh episodes ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP20,000.