
Sa fresh episode ngayong Martes (June 3), Pinoy pool champs and famous moto-vloggers naman ang magtatapat sa Family Feud.
Bahagi ng June contestants sa Family Feud ang Team Tumbokeros. Kasama sa team na aabangan ngayong Martes ang four world-class Pinoy billiards/pool players. Pangungunahan ang kanilang team ng Cebuana na si Rubilen "Bingkay" Amit. Siya ay three-time world champion dahil sa dalawang panalo niya sa WPA Women's World Ten-ball champion at siya ang unang Filipina pool player na nag-champion sa WPA Women's World Nine-ball noong 2024. Naglaan ng oras para makisaya sa Family Feud bago ang kaniyang preparasyon sa highly anticipated appearance sa World Games sa China sa darating na Agosto.
Makakasama ni Bingkay sa Team Tumbokeros sina Johann "JC" Chua na two-time All Japan Championship winner noong 2015 and 2017. Nag-champion rin siya 2023 World Cup of Pool kasama ang kanilang teammate na si James "Dodong Diamond" Aranas. Samantala, sasamahan sila ng isa pang world champion, Carlo Biado, na proud native of Rosario, La Union.
Mula naman sa Ride to Riches mapapanood ang motorcycling vloggers na may massive social media following. Maglalaro sa team Ride to Riches si Marianne "Yang" De Castro na kilala sa circuit and drag racing for eight years. Four years naman siya sa vlogging at pagiging endorser.
Sasamahan si Marianne ng adventure rider and riding coach na si Karlo Miguel Salonga; ang funny entrepreneur na may carwash and detailing business sa Pandi, Bulacan na si Jason Dionisio; at ang consummate businessman, car and moto mechanic, at may 1.4 million followers sa vlog na si Ross Mel Lingon.
Abangan ang kanilang exciting na tapatan sa Lunes sa Family Feud!
Manood ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.