GMA Logo Guess More Win More Promo
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Daily Cash Rewards: Paano mas pinalakas ng 'Family Feud' ang 'Guess More, Win More' Promo

By Maine Aquino
Published April 15, 2026 8:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Paghinabuyanay sang bato sang kalalakihan sa Pavia, Iloilo, nakuhaan sang video| One Western Visayas
DOF’s Go woos US private sector to support PH economic reforms
Respect Starts Young: This rural bank honors values-driven students nationwide

Article Inside Page


Showbiz News

Guess More Win More Promo


Mula hapon hanggang primetime, hatid ng GMA Network ang mas maraming paraan para manalo ang viewers sa 'Guess More, Win More' promo.

Tuloy-tuloy ang pamimigay ng bigating papremyo sa mas pinalawak na “Guess More, Win More” Promo ng Family Feud.

Mas pinalalawak ngayon ang inaabangang Guess More, Win More promo, na nagbibigay ng mas maraming pagkakataon sa viewers na manalo habang nanonood ng kani‑kanilang paboritong Kapuso shows. Network‑wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa promo ang mga programa sa GMA Afternoon Prime at GMA Prime.

Sa main show na Family Feud, maghahain ang award‑winning host na si Dingdong Dantes ng tatlong promo questions araw‑araw, Lunes hanggang Biyernes. Sa ilalim ng pinalawak na Guess More, Win More promo, mapapanood din ang mga natatanging promo questions sa commercial breaks ng ilan sa mga pinakapinapanood na programa ng GMA.

Sa mas pinalawak na promo, walong (8) lucky viewers ang maaaring manalo ng ₱10,000 araw‑araw, habang isang weekly winner naman ang may tsansang mag‑uwi ng ₱100,000!

Samantala, ibinahagi rin sa Family Feud ang masayang pagbisita ng ilan sa mga viewers na dati nang nanalo ng ₱100,000 mula sa Guess More, Win More promo.

Family Feud s Guess More Win More Promo

PHOTO SOURCE: Family Feud



Paano sumali?

Manood ng mga programa sa GMA Afternoon Prime at GMA Prime tuwing Lunes hanggang Biyernes. Sagutin ang mga tanong na lalabas sa screen at bisitahin ang promo website:
www.gmanetwork.com/FamilyFeudGuessMoreWinMore

Para makapag‑submit ng entries, ilagay ang mga sumusunod na detalye:

Puwede lamang mag‑submit ng entries mula Lunes hanggang Biyernes hanggang 10:00 p.m., at tanging mga entries na ipinadala sa promo website ang may pagkakataong manalo sa mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo.

Isang post na ibinahagi ni Family Feud Philippines (@familyfeudph)

Para sa kabuuang detalye, bisitahin ang promo website: www.gmanetwork.com/FamilyFeudGuessMoreWinMore

Narito rin ang iba pang mga programang pinapalabasan ng mga tanong para sa Family Feud's Guess More, Win More promo: