IN PHOTOS: Family Feud's trending and most-watched episodes

Isa sa mga programang nagbibigay ng saya sa maraming pamilyang Pilipino gabi-gabi ay ang weekday game show ng GMA na 'Family Feud' kasama ang game master na si Dingdong Dantes.
Marami ang tumututok at nag-aabang sa tapatan sa hulaan ng survey answers ng celebrity guest players, athletes, beauty queen, at marami pang iba.
Sa 'Family Feud' din nasaksihan ang reunion ng mga sikat at mga batikang artista, magkakabanda, at mga kilalang pamilya sa show business.
Bukod pa rito, naging daan din ang programa upang makatulong sa iba't ibang mga organisasyon dahil sa perang ibinibigay ng jackpot winners sa kanilang napiling charity.
Balikan ang masasayang episodes ng paboritong programa ng mga Pinoy na 'Family Feud,' dito:














