RECAP: Jackpot prize winners of 'Family Feud' Philippines

Naging family bonding na ng maraming mga Pilipino ang panonood gabi-gabi ng trending game show ng GMA na 'Family Feud' kasama ang game master na si Dingdong Dantes.
Marami ang tumututok sa tapatan sa hulaan ng survey answers ng celebrity guest players, athletes, beauty queen, at marami pang iba.
Full of entertainment ang naibibigay ng programa dahil bukod sa reunion ng mga celebrity, kakaibang excitement din ang naibibigay sa pag-aabang kung sinong team ang magiging jackpot prize winner araw-araw.
Hindi tulad ng ibang game show, walang umuuwing talo sa 'Family Feud,' dahil hindi lang jackpot prize winners ang uuwing masaya, dahil panalo rin ang ibang team sa saya at experience na kanilang naranasan sa paglalaro.
Narito ang mga winning families and teams na nag-uwi ng PhP200,000 jackpot prize mula sa 'Family Feud:'

























































