GMA Logo Dingdong Dantes
What's on TV

Dingdong Dantes, napiling host ng Philippine franchise ng 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published March 2, 2022 8:11 PM PHT
Updated March 10, 2022 11:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


"Survey says!" Ihanda ang inyong mga telebisyon dahil ihahandog ng GMA ang sikat na game show mula sa Amerika ngayong taon!

Bagong taon, bagong programa rin ang handog ng GMA sa mga manonood ngayong 2022!

Pamilyar ba kayo sa linyang "survey says..?" Pwes, abangan ninyo sa inyong local TVs ang Philippine franchise ng sikat na game show mula sa Amerika, ang Family Feud!

Siyempre, isang family man ang napiling maging host ng family-oriented na programa at ito'y walang iba kung 'di ang award-winning actor na si Dingdong Dantes.

Asahan ding mapanood ang tagisan ng galing ng celebrities sa pagsagot kasama ang kanilang mga pamilya. Ano kaya ang mga magiging "top answer ng pamilya?"

Hindi pa doon nagtatapos dahil bukod sa mag-e-enjoy kayong panoorin ang Family Feud, magkakaroon pa kayo ng chance na sumali sa online promo at manalo ng prizes.

Abangan ang Family Feud, soon on GMA 7. Tutok lang sa GMANetwork.com para sa updates.