
Mapapanood na sa GMA simula sa Lunes, March 21, ang pinakamalaking game show sa bansa na Family Feud kasama ang game master na si Dingdong Dantes
Ngayong Biyernes, March 18, live na ipinasilip ni Dingdong sa 24 Oras kasama ang "Chika Minute" reporter na si Iya Villania-Arellano ang taping sa studio ng inaabangang family-oriented game show.
Ipinakilala ni Dingdong ang mga aabangang teams ng celebrity guest players, na Team Sexbomb dancers atTteam Biriteras na binubuo ng mga beterano at beterana ng comedy bars.
Makikita rin sa studio ang makulay na set design, podiums, high-end stage lighting, at Family Feud game board kung saan ilalabas ang mga sagot sa survey questions.
Bukod naman sa masayang labanan ng celebrity guest players sa pagsagot sa survey questions, araw-araw ay may chance rin ang Kapuso viewers na manalo ng Php 20,000 sa "Guess To Win" promo ng programa.
Para sa kumpletong mechanics, manood at tumutok lamang sa Family Feud, weekdays 5:45 p.m. sa GMA!
Samantala, silipin naman ang mga larawan ng Family Feud studio sa gallery na ito.