GMA Logo family feud ph premiere
What's on TV

World premiere ng 'Family Feud' Philippines, pinag-usapan online!

By Jimboy Napoles
Published March 21, 2022 7:02 PM PHT
Updated March 22, 2022 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

family feud ph premiere


Isa ka ba sa nakihula sa top answer ng survey questions sa world premiere ng 'Family Feud'?

Mainit ang naging pagtanggap ng maraming manonood sa world premiere ng Family Feud Philippines kasama ang game master na si Dingdong Dantes ngayong Lunes, March 21.

Sa unang episode ng nasabing game show, nagpakitang gilas ang team All Out Sundays (AOS) na binubuo nina Mark Bautista, Jennie Gabriel, Jessica Villarubin, at Garrett Bolden katapat nila ang team The Boobay and Tekla Show (TBATS) na binubuo naman ng mga komedyante na sina Boobay, Super Tekla, Pepita Curtis, at Ian Red.

Isa sa kanilang hinulaan ay ang top answer sa tanong na 'Anong bagay ang isinusubo ngunit hindi nilulunok?' si Boobay ng Team TBATS ang nakakuha ng top answer na 'Bubble Gum' pero nakuha pa rin ng Team AOS ang panalo sa first round at itinanghal na over-all winner sa pilot episode.

Sa Twitter, umani naman ng sari-saring positibong reaksyon ang world premiere ng programa mula sa Kapuso viewers.

"Very entertaining ang game show na to! #FamilyFeudPH FamilyFeud AOSvsTBATS @KapusoBrigade," tweet ng isang viewer.

Marami naman ang natuwa nang muling mapanood ang kanilang idolo na si Dingdong sa kanyang bagong programa.

"Nakakatuwa mapanood muli si @dingdongdantes sa #FamilyFeudPH," saad ng isang netizen.

Samantala, ang isang manonood naman, naaliw at nagbawas ng stress habang nakatutok sa game show.

"Huwag pa stress sa iba dito ka na lang ang saya #FamilyFeudPH Family Feud AOS vs TBATS @KapusoBrigade," post ng isang netizen.

Mga Kapuso, maari rin kayong manalo habang nanood ng Family Feud dahil "Guess to Win Promo" ng programa. Kung paano sumali, basahin ang mechanics sa larawan sa ibaba.

Tumutok sa Family Feud, weekdays 5:45 p.m. sa GMA!

Silipin naman ang world-class studio ng Family Feud, sa gallery na ito.