
Patuloy na pinag-uusapan at sinusubaybayan ng maraming manonood ang pinakamalaking game show ngayon sa GMA--ang Family Feud Philippines kasama ang Kapuso game master na si Dingdong Dantes.
Parami na rin nang parami ang mga manonood na nakatatanggap ng papremyo mula programa dahil bukod sa jackpot prize na naiuuwi ng celebrity guest players mula sa paglalaro sa studio, winner din ang Team Bahay na mga Kapuso viewers na nakilahok at tumama sa "Guess To Win" promo ng programa.
Nag-volt in sa pagpapasaya noong Lunes, April 11, ang Team Voltes V: Legacy kasama sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano at Team Bubble Gang na binubuo nina Betong Sumaya, Boy 2 Quizon, Faye Lorenzo, Liezel Lopez.
'Family Feud' Philippines: Team 'Voltes V:Legacy' vs Team 'Bubble Gang' | Episode 16
Noong Martes (April 12), isang matinding bakbakan sa hulaan ng top answers naman ang naipanalo ng Team Gameboys na binubuo nina Elijah Canlas, Sue Prado, Kych Minemoto at Miggy Jimenez laban sa Team Kapuso Babes na binubuo naman nina Faith Da Silva, Claire Castro, Pamela Prinster at Angel Guardian.
'Family Feud' Philippines: Team 'Gameboys' vs Team Kapuso Babes | Episode 17
Tila mini-reunion naman ng dating sikat na child stars ang naganap noong Miyerkules (April 13), sa muling pagkikita nina Gladys Reyes at Niño Muhlach nang magharap sila at kanilang pamilya sa Family Feud.
'Family Feud' Philippines: Muhlach Family vs Sommereux Family | Episode 18
Ugaliing tumutok sa Family Feud, weekdays 5:45 p.m. sa GMA!
Samantala, alamin naman ang buhay ngayon ng mga kilalang child star noon sa gallery na ito.