
Kasabay ng maulang panahon, umulan din ng papremyo sa episode ng Family Feud ngayong Huwebes, May 19, kung saan wagi ng PhP200,000 jackpot prize ang pamilya ng celebrity couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert sa kanilang paglalaro sa game show.
Sa nasabing episode, nakaharap nila ang Team G na binubuo ng mga komedyante na sina Mariko, Dax, Marya, at Arnel.
Leading ang Team G sa first round, pero nakahabol ng mataas na points ang Abrenica and Reyes family sa mga sumunod na round hanggang sa makapasok sila sa fast money round.
Napatalon naman sa saya si Vin nang makakuha sila ng 209 points sa huling round na pasok upang makuha ang PhP200,000 jackpot prize.
Dahil dito, ang team nina Vin at Sophie na ang latest jackpot prize winner ng Family Feud Philippines sa edisyon nito ngayong taon.
Sinundan nila ang Team First Lady na pinangungunahan ng lead actress ng programa na si Sanya Lopez, kasama ang co-stars niya na sina Anjo Damiles, Analyn Barro, at Muriel Lomadilla na wagi rin ng jackpot prize noong nakaraang linggo.
Patuloy na tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GMA o bisitahin ang Family Feud show page sa GMA Network website upang mapanood ang live streaming.
Samantala, silipin naman ang ilang sweet moments nina Vin at Sophie sa gallery na ito: