GMA Logo Family Feud with Annette Gozon Valdes
What's on TV

ABANGAN: GMA Pictures president Atty. Annette Gozon Valdes, maglalaro sa 'Family Feud' ngayong Miyerkules

By Jimboy Napoles
Published June 1, 2022 4:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud with Annette Gozon Valdes


Mapapanood si GMA Pictures President Atty. Annette Gozon Valdes sa special episode ng 'Family Feud' ngayong Miyerkules.

Sa isang pambihirang pagkakataon, bibisita sa Family Feud studio si president and programming consultant to the chairman ng GMA na si Atty. Annette Gozon-Valdes upang makihula ng top survey answers kasama ang kanyang pamilya.

Sa nasabing episode, makakaharap nila ang IBilib family, kabilang ang Kapuso stars na sina Chris Tiu at Shaira Diaz.

Mapapanood sa video teaser na inilabas ng programa na game na game si Ms. Annette na makipagkulitan kay game master Dingdong Dantes.

Ayon pa kay Ms. Annette, paboritong programa ng kanyang ama na si GMA Network Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon ang Family Feud.

Aniya, "Alam mo ba paboritong show ito [Family Feud] ng daddy ko, baka mapagtawanan niya 'yung mga sagot namin."

Maiuwi kaya ng Gozon Family ang Php 200,000 jackpot prize? Abangan 'yan mamaya sa Family Feud, 5:45 p.m. sa GMA.

Panoorin ang teaser DITO: