
Panalo ng PhP200,000 jackpot prize ang musical group na The Company sa kanilang paglalaro sa pinag-uusapang game show ngayon sa Pilipinas na Family Feud.
Pinatunayan ng mga miyembro ng The Company na sina Annie Quintos, OJ Mariano, Moy Ortiz, at Sweet Plantado na hindi lamang sila sa kantahan may ibubuga kung 'di pati na rin sa hulaan ng top survey answers.
Matapos ang apat na rounds, nakakuha ng 458 points ang nasabing musical group mula sa kalabang team na Beats Boys na binubuo naman ng mga rapper na sina ABRA, Ron Henley, Loonie, at Apekz.
Sina OJ at Sweet ang sumalang sa fast money round kung saan nakabuo sila ng saktong 200 points na swak sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize.
Ang The Company ang na ang latest jackpot prize winner ng Family Feud Philippines sa edisyon nito ngayong taon. Sinundan nila ang Raising Mamay family na nanalo noong nakaraang linggo, June 8.
Patuloy na tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GMA o bisitahin ang Family Feud show page sa GMA Network website upang mapanood ang live streaming.
Samantala, kilalanin naman ang ilang OPM hit makers na walang apelyido sa gallery na ito: