GMA Logo Family Feud Kids At Heart
What's on TV

Mga dating child stars, panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Familys Feud'

By Jimboy Napoles
Published July 7, 2022 7:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Kids At Heart


Congratulations, Team Kids at Heart!

Masaya ang naging reunion ng mga dating child stars na sina Jaypee De Guzman, RR Herrera, Kathleen Go Quieng, at Atong Redillas sa kanilang paglalaro sa top-rating game show sa bansa na Family Feud dahil naipanalo nila ang PhP200,000 jackpot prize ngayong Huwebes, July 7.

Nakatapat ng Team Kids at Heart ang kapwa nila sikat na child star noon na si Ice Seguerra kasama ang asawa nito na si Liza Diño-Seguerra.

Sa first two rounds pa lang ay leading na ang Team Kids at Heart sa score na 62 points laban sa 45 points sa team nina Ice at Liza.

Sa fourth round kung saan magiging triple ang score ay nanguna pa rin ang Team Kids at Heart sa score na 459 points.

Sa round na ito ay nanalo ang Team Kids at Heart ng PhP100,000 mula sa Family Feud at additional PhP100,000 mula sa Shopee.

Bukod dito, nakakuha naman ng 208 points sina Atong at Kathleen sa last round o fast money round ng game show na pasok upang makuha rin nila ang jackpot prize.

Tumataginting na PhP300,000 ang total cash na naiuwi ng Team Kids at Heart na nakuha rin ng winning team na The Dawn, kahapon, Miyerkules (July 6) sa Family Feud.

Samantala, bukas na rin ang pintuan ng Family Feud para mga nais maging studio live audience, magtungo lamang sa GMANetwork.com para sa iba pang detalye.

Kilalanin naman ang ilan sa mga Kapuso child stars sa gallery na ito: