GMA Logo Dingdong Dantes
What's on TV

Dingdong Dantes, tuloy-tuloy na magpapasaya sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published September 23, 2022 5:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Abangan ang marami pang sorpresa sa good vibes na game show ng GMA na 'Family Feud' kasama si Dingdong Dantes.

Handa nang pasayahin ng Family Feud host na si Dingdong Dantes ang Filipino-American community sa Amerika sa gaganaping "Together Again: A GMA Pinoy TV at 17 Concert" ngayong weekend, September 24 at 25 sa Pechanga Resort Casino sa California.

Makakasama ni Dingdong sa nasabing concert ang kapwa Kapuso stars na sina Aiai Delas Alas, Lani Misalucha, Bea Alonzo, Julie Anne San Jose, at Rayver Cruz.

Pagkatapos ng concert, babalik din agad ng Pilipinas si Dingdong para sa kanyang top-rating game show sa GMA na Family Feud.

Sa panayam ng showbiz reporter na si Nelson Canlas kay Dingdong, nagpapasalamat ang Kapuso Primetime King sa tuloy-tuloy na mainit na suporta na ibinibigay ng mga manonood sa programa.

Aniya, "Very very grateful kami sa lahat ng supporters, sa lahat ng tumatangkilik, asahan niyo na mas marami pang mga kwelang tanong."

Matatandaan na patuloy na nakakakuha ng matataas na TV ratings ang nasabing game show at laging nagba-viral online ang mga episodes.Sa katunayan, nakakuha ng 14 percent of ratings ang Family Feud nito lamang September 20. Mas mataas ito kumpara sa mga katapat nitong programa sa ibang TV stations base sa preliminary at overnight data ng NUTAM People ratings.

Sa ngayon, umabot na rin sa 103,000 ang followers ng Family Feud Philippines sa TikTok habang nasa halos 700,000 naman ang Facebook followers nito na nagsimula lamang nitong Marso ngayong taon.

Samantala, patuloy na tumutok sa Family Feud, weekdays 5:40 p.m. sa GMA.

BALIKAN NAMAN ANG NAGING CAREER JOURNEY NI DINGDONG DANTES SA GALLERY NA ITO: