GMA Logo OPM band na Jeremiah
What's on TV

OPM band na Jeremiah, panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published October 6, 2022 7:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga pulis, nagulat kung sino ang hinabol nilang carnappers | GMA Integrated Newsfeed
Stolen motorcycle traded for alleged shabu recovered
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

OPM band na Jeremiah


Congratulations, team Jeremiah!

Hindi tulad ng kanilang sikat na awitin na "Nanghihinayang," walang panghihinayang ang OPM band na Jeremiah sa kanilang paglalaro sa Family Feud ngayong Huwebes, October 6, dahil naiuwi nila ang PhP200,000 jackpot prize matapos manalo laban sa kalabang team na bandang Agsunta.

Ang team Jeremiah ay binubuo ng kanilang original at bagong band members na sina Froi Calixto, Piwee Polintan, Dhymples Suniga at Tristan Dela Torre.

Sa nasabing episode ng game show, nakaharap nila ang kapwa OPM band na Agsunta na binubuo naman nina Jireh Singson, Mikel Arevalo, Josh Palanas, at Stephen Arevalo.

Panalo ang Agsunta sa unang round sa score na 47 points, pero nakabawi ang team Jeremiah sa mga sumunod na rounds hanggang sa mabuo nila ang score na 493 points.

Sa last round, sina Froi at Piwee ang sumalang sa fast money round at matagumpay nilang nabuo ang 226 points na pasok upang maiuwi ang PhP200,000 jackpot prize.

Noong nakaraang linggo, September 26, naiuwi naman ng team DZBB anchors ang PhP200,000 jackpot prize.

Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG NAGING CONTROVERSIAL PINOY BAND BREAKUPS SA GALLERY NA ITO: