TV

'Family Feud' ng GMA, muling nakapagtala ng mataas na TV ratings

By Jimboy Napoles

Muling nakakuha ng mataas na TV ratings ang trending na weekday game show ng GMA na Family Feud kasama ang game master na si Dingdong Dantes sa huling linggo ng Oktubre 2022.

Matapos makakuha ng 14.9 percent na ratings noong October 25, 2022, tumabo ng 16 percent ang TV ratings ng naturang game show nitong Biyernes, October 28, 2022.

Ang nasabing ratings ng show ay base sa preliminary at overnight data ng NUTAM People ratings kung saan higit na mas mataas ang nakuhang ratings ng Family Feud kumpara sa katapat nitong mga programa sa ibang TV stations.

Patunay ito na ang Family Feud ang itinuturing na number 1 TV game show ngayon ng maraming Kapuso sa buong bansa.

Bukod naman sa matataas na ratings na nakukuha ng naturang programa, consistent din ang pagiging trending ng bawat episode ng game show na pinag-uusapan pa online. Gaya na lamang ng episode noong October 19, 2022 kung saan nag-viral ang "censored" na sagot ng sikat na cosplayer at streamer na si Buunja Agustin sa isang survey question.

Samantala, tuloy-tuloy din ang pamimigay ng papremyo ng Family Feud dahil bukod sa jackpot prize na naiuwi ng celebrity guest players mula sa paglalaro sa studio, winner din ang Team Bahay na mga Kapuso viewers na nakilahok at tumama sa "Guess To Win" promo ng programa.

Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA. Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

SILIPIN ANG HANDSOME PHOTOS NG FAMILY FEUD HOST NA SI DINGDONG DANTES SA GALLERY NA ITO: