GMA Logo Dingdong Dantes, Eruption
What's on TV

Dingdong Dantes dances with Eruption in 'Family Feud' studio

By Jimboy Napoles
Published November 29, 2022 8:23 PM PHT
Updated November 30, 2022 1:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Historic finds and young hobbyists shine at Minted MNL's 2025 year-end show
Signal No. 1 up over 16 areas as Wilma moves over the coastal waters of Samar
#WilmaPH accelerates slightly as it crosses Samar

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes, Eruption


Panoorin ang makulit na TikTok dance video nina Dingdong Dantes at Eruption DITO:

Muling nasubukan ang dancing skills ng game master na si Dingdong Dantes kasama ang model-actor na si Eric Tai o mas kilala bilang si “Eruption” sa isang makulit na dance video na habang nasa taping ng Family Feud.

Sa naturang video na ibinahagi ng Family Feud sa social media, makikita ang cute na pagsayaw at pagkembot nina Dingdong at Eric ng viral dance challenge ngayon sa TikTok --- ang remix ng Vietnamese song na "See Tình."

Spotted din sa nasabing dance video ang team members ni Eric na sina Kiko Matos, Kenjhons Serrano, at Mammoth Estroso.

Ang ilang netizens na nakapanood na ng video sa TikTok, hindi makapaniwala sa nakitang dancing talent ni Dingdong.

"Angas may hidden talent pala si Mr. Dingdong hahaha," komento ng isang netizen.

"WHAHAHAH galing kumembot Mr. Dingdong," dagdag pa ng isang netizen.

"Nahiya naman ako sa mga hunks na ito ang lambot kumembot," ani pa ng isang fan.

Panoorin ang cute dance video nina Dingdong at Eruption dito:

@familyfeudph Eruption x Dingdong Dantes dance troupe? 🤘🏻 #fyp #familyfeudph ♬ 原聲 - ABCandE

Abangan ang episode ng Family Feud kasama ang Team Eruption ngayong Disyembre.

Tumutok lamang sa programa, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

ALAMIN ANG ILAN SA MGA TRIVIA TUNGKOL KAY DINGDONG DANTES SA GALLERY NA ITO: