GMA Logo Jovit Baldivino, Family Feud Philippines
What's on TV

'Family Feud Philippines,' naglabas ng video tribute para sa singer na si Jovit Baldivino

By Jimboy Napoles
Published December 9, 2022 6:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Jovit Baldivino, Family Feud Philippines


Napanood si Jovit Baldivino sa 'Family Feud Philippines,' ilang araw bago ito pumanaw.

Marami ang nagulat sa balitang pumanaw na ang sikat na OPM singer na si Jovit Baldivino, Biyernes ng umaga, December 9.

Noong nakaraang linggo, November 28, napanood pa sa highly-rating game show ng GMA na Family Feud si Jovit kasama ang kapwa niya OPM singers. Nakalaban nila sa episode na ito ang grupo ng mga voice actor sa bansa.

Bilang ang Family Feud ang isa sa mga TV programs na huling pinaunlakan ng pagbisita ng namayapang singer, naglabas ng tribute video ang naturang game show, highlight ang masasayang sandali ng paglalaro ni Jovit.

Ang naturang tribute video ay nagsilbi ring pagbibigay pugay sa naging ambag ni Jovit sa music and entertainment industry.

Panoorin ang video tribute ng Family Feud Philippines para kay Jovit, DITO:

Samantala, ayon sa report, ilang araw bago namaalam si Jovit ay nagkaroon na siya ng medikasyon para sa hypertension at pinayuhan na ng doktor na magpahinga lamang.

Ngunit nang maimbitahan siya sa isang family event ay agad na tumugon si Jovit. Sa nasabing event ay inawit niya ang sikat na awiting "Faithfully" ng bandang Journey.

Ayon sa mga nakapanood, kapansin-pansin na ang pagbabago sa itsura ni Jovit habang umaawit. Isang oras matapos mag-perform, nakita na lamang si Jovit na walang malay na nakaupo at bumubula ang bibig, kung kaya't agad siyang isinugod sa ospital na agad ding naging lamang ng mga balita.

Base sa inilabas na resulta ng CT Scan kay Jovit, nagkaroon ng blood clot sa kanyang utak na senyales ng Aneurysm. Nanatili sa ospital si Jovit habang comatose simula December 3 hanggang sa umaga ngayong December 9 ay binawian na ito ng buhay.

Nakilala si Jovit nang tanghaling kampeon sa season 1 ng reality talent show na Pilipinas Got Talent taong 2010.

Maraming salamat sa pagbahahagi ng iyong talento at kasiyahan. Hanggang sa muli, Jovit!

Muling panoorin ang episode ng Family Feud Philippines kasama si Jovit sa video na ito:

BALIKAN ANG MGA ALAALA NG ILANG CELEBRITIES NA PUMANAW NGAYONG 2022 SA GALLERY NA ITO: