GMA Logo Wedding hosts, Family Feud
What's on TV

Wedding Hosts, winner ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published December 9, 2022 7:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Shai Gilgeous-Alexander drops 39 as Thunder hand Hawks 7th straight loss
Raps eyed vs group for blocking portion of road in Davao Oriental
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Wedding hosts, Family Feud


Congratulations, team Wedding Hosts!

Wagi ng PhP200,000 jackpot prize ang grupo ng ilan sa mga kilalang wedding host sa bansa na sina Jam Saquilayan, Kwin Sawal, Aubrey Bermudez-Badaguas, at Mary Grace Khu sa kanilang paglalaro sa trending weekday game show ng GMA na Family Feud ngayong Biyernes, December 9, 2022.

Sa nasabing episode ay nakalaban nila ang ilang miyembro ng Philippine Taekwondo Poomsae Team na pinangungunahan ni Jeordan Dominguez, kasama sina Rani Ortega, Junior Reyes, at Juvy Crisostomo.

Bago magpagalingan sa hulaan, ipinakita muna ng team nina Jeordan sa game master na si Dingdong Dantes kung paano isinagasawa ang Taekwondo Poomsae.

Samantala, sa first round ng naturang game, leading agad ang Team Wedding hosts sa score na 66 points.

Pagdating sa second round, nakabawi naman ang Philippine Poomsae Team sa score na 52 points.

Sa third round, muling umariba ang Wedding Hosts nang manguna sila sa hulaan ng top survey answers. Dito ay nakakuha sila ng score na 226 points.

Sa fourth round kung saan triple na ang magiging score sa tamang sagot, mas naungusan pa ng team Wedding Hosts ang Philippine Poomsae Team nang makuha nila ang lahat ng sagot sa survey board. Sa round na ito ay nabuo nila ang score na 517 points.

Dahil dito, sila ang nagtuloy sa last round na fast money round kasama sina Host Jam at Host Kwin. Sa round naman na ito, nakakuha ang dalawa ng combine score na 202 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Samantala, makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Pag-asa Social Center Foundation Inc. bilang napiling charity ng team Wedding Hosts habang nag-uwi pa rin ng PhP50,000 ang Philippine Taekwondo Poomsae Team.

Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

KILALANIN NAMAN ANG MGA SUPERSTAR ATHLETE NA NAGING ARTISTA AT TV HOST SA GALLERY NA ITO: