GMA Logo elijah alejo on family feud
What's on TV

Sagot ni Elijah Alejo na P20 sa 'Family Feud,' kinaaliwan online!

By Dianne Mariano
Published December 20, 2022 1:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala cheered on by Gauff, Mboko after SEA Games run
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

elijah alejo on family feud


Kinaaliwan ng netizens ang naging sagot ni 'Underage' actress Elijah Aejo na PhP 20 sa 'Family Feud.' Alamin kung tungkol saan ito rito:

Magkano ang kaya mong ibigay sa inaanak ngayong Pasko?

Ito ang isa sa mga tanong na sinagot ni Elijah Alejo sa "Fast Money" round sa December 12 episode ng Family Feud.

Matatandaan na naglaban ang pamilya nina Sparkle stars Althea Ablan at Elijah Alejo sa hit daily game show ng GMA Network.

Sa aturang episode, nakakuha ang Alejo family ng 551 points matapos ang apat na rounds at nanalo pa sila ng PhP100,000. Sumalang din sina Elijah at ang pinsan niyang si Ericka sa "Fast Money" round.

Isa sa mga tanong para sa Underage actress sa nasabing round ay kung magkano ang kanyang ibibigay sa mga inaanak ngayong Pasko.

“20,” sagot ni Elijah.

Napangiti naman ang game master na si Dingdong Dantes sa sagot ng aktres at binati pa nito ang mga inaanak ni Elijah.

Ayon sa renowned actor-TV host, ang top answer para sa naturang tanong ay PhP100 at sinabi naman ni Elijah, “Halatang hindi ako nakakakuha ng PhP100, e.”

Sa huli, nakakuha ng 147 points ang Alejo family sa "Fast Money" round at nanalo ng PhP200,000.

Kinaaliwan naman ng netizens ang naging sagot ng teen actress at gumawa pa ng memes sa social media para sa kanilang mga inaanak.


PHOTO COURTESY: YouLOL (TikTok)

Samantala, mapapanood si Elijah sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Underage, na pinagbibidahan din nina Kapuso stars Lexi Gonzales at Hailey Mendes.

Patuloy naman na tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA.

Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com

SAMANTALA, KILALANIN SI ELIJAH ALEJO SA GALLERY NA ITO: