GMA Logo Chabelitah Sisters
What's on TV

Chabelitah Sisters, unang non-celebrity winner ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published February 15, 2023 9:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Chabelitah Sisters


Congratulations team Chabelitah Siters bilang first-ever non-celebrity jackpot winner ng 'Family Feud!'

Tinanghal na first-ever non-celebrity player na winner ng PhP200,000 jackpot prize sa Family Feud ang team Chabelitah Sisters mula sa Santa Maria Bulacan sa kanilang paglalaro sa nasabing game show ngayong Miyerkules, February 15.

Ang nasabing winning team ay binubuo ng mga magkakapatid na babae na sina Nelle Lizardo-Balanzat, Meann Lizardo, Shiela Lizardo, at Jenjen Lizardo-Gorospe. Sila ay kapwa nagtatrabaho sa isang hardware family business sa kanilang lugar.

Sa nasabing episode nakalaban naman nila ang team Seamanloloyal na binubuo ng Simulation Technician na si Nap David Jr., at kanyang marine students na sina Leonard Dayandayan, Dhale Garcia, at Luis Juera.

First round pa lang ay nakakuha na agad ng 78 points ang team Chabelitah Sisters. Habang sa second round, nakabawi naman ang Seamanloloyal sa score na 55 points.

Sa third round, muling lumamang ang Chabelitah Sisters nang masagot nila ang apat na survey answers sa tanong na, “Anong gamit ang makikita sa kusina na makikita rin sa banyo?” Sa round na ito ay nakakuha sila ng 256 points.

Sa fourth round, napako na sa 55 points ang Seamanloloyal nang maungusan pa rin sila ng winning team sa score na 523 points.

Mula sa team Chabelitah Sisters, sina Nelle at Jen ang sumalang sa last round o fast money round kung saan nakabuo sila ng mataas na score na 206 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Bahay Kalinga of Sta. Maria Bulacan bilang napiling charity ng Chabelitah Sisters habang nag-uwi pa rin ng PhP50,000 ang team Seamanloloyal.

Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG ILAN PANG NAGING JACKPOT WINNERS SA FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: