GMA Logo Hiro Peralta Family Feud
What's on TV

Hiro Peralta, wagi ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

Published February 21, 2023 1:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tech innovator Dado Banatao passes away at 79
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Hiro Peralta Family Feud


Congratulations, Hiro and family!

Very proud ang game master na si Dingdong Dantes sa kaniyang utol sa teleserye na si Hiro Peralta nang maipanalo ng team nito ang PhP200,000 jackpot prize sa trending weekday game show ng GMA na Family Feud nitong Lunes, February 20.

Kasama ni Hiro sa kaniyang team na binubuo ng kaniyang kapatid na si Timmy Zamora-Rey, at mga kaibigan na sina Daniel Gonzales, at Marianne Golez.

Sa nasabing episode nakalaban naman ng team ni Hiro ang co-star niya dati sa Tween Hearts at naging kapatid din ni Dingdong sa seryeng I Can See You: AlterNate na si Joyce Ching.

Kabilang naman sa team ni Joyce ang kaniyang asawa na si Kevin Alimon, ama niya na si Mike Ching, at kapatid na si Kimbert Ching.

Sa unang round, panalo na agad ang team ni Hiro nang mahulaan nila ang lahat ng survey answers sa tanong na, “Ano ang puwedeng gawin sa'yo ng aso na ginagawa rin sa'yo ng jowa mo?” Dito ay nakakuha sila ng 86 points.

Sa second round, nahirapang makabawi ang team ni Joyce at muling naka-score ang team ni Hiro na nakakuha ng 152 points.

Sa third round, bigo pa ring makahabol ang Ching-Alimon family nang makuha pa rin ng Peralta family ang game sa score na 236 points.

Pagdating sa fourth round, muling nanguna ang team ni Hiro sa score na 515 points kung kaya't sila ang nagpatuloy sa last round o fast money round.

Sa round na ito, sina Hiro at Timmy ang naglaro kung saan nakabuo sila ng 201 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Makakatanggap naman ng PhP20,000 ang MYB Pet Rescue and Sanctuary bilang napiling charity ng Peralta Family habang nag-uwi pa rin ng PhP50,000 ang Ching-Alimon Family.

Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

KILALANIN ANG ILAN PANG NAGING JACKPOT WINNERS SA FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: