
Exciting na food adventure ang aabangan sa Farm to Table dahil makakasama ni Chef JR Royol sina Cheska Fausto, Anjay Anson, at Maey Bautista.
Ngayong December 28, may fun food bonding ang mga food explorers sa Buyo Farm and Resort.
Dadalhin nina Cheska, Anjay, at Maey ang kanilang sourced ingredients para i-challenge si Chef JR sa paluto food trip. Bitbit ni Cheska ang beef short ribs mula sa meat market sa Pililia, Laguna. Mula naman sa Tanay Public Market ang dala ni Maey na seafood para sa Seafood Laksa. Samantala, fresh na huling native chicken ang ibibigay ni Anjay kay Chef JR para sa Adobong Manok.
Abangan ang kanilang pagsasalo sa masasarap pagkain at kuwentuhan sa Farm to Table ngayong Linggo (June 29), 7:15 p.m. sa GTV
Mapapanood din ang Farm to Table online via Farm to Table Facebook page, at sa GMA Network at ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube channels.
RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Behind-the-scenes on the set of 'Farm to Table'