What's on TV

Chef JR Royol, nagbahagi ng ilang healthy recipes mula sa kaniyang fresh harvest

By Maine Aquino
Published May 4, 2021 6:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Donnalyn Bartolome, magpapaalam na sa vlogging: 'That is my gift to myself'
DTI: Damaged roads in Davao Occ. taking heavy toll on MSMEs
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Chef JR Royol in Farm To Table


Bukod sa healthy at fresh recipes na handa ni Chef JR Royol, nagbahagi rin siya ng payo para iwasan ang food waste.

Sa isang barangay sa Tagaytay nagtungo si Chef JR Royol sa kaniyang latest food adventure sa Farm To Table.

Nitong May 2, sa Barangay San Jose polyculture farm lumibot si Chef JR para mag-harvest ng ilang ingredients na gagamitin niya sa kaniyang dish. Sa kaniyang pagikot sa lugar, nakita niya ang mga magagandang naidulot sa komunidad ng polyculture farm at kanilang waste management.

Chef JR Royol in Farm To Table

Photo source: Farm To Table

Habang namimitas ng kaniyang gagamiting ingredients, nakakita siya ng ilang mga kangkong na may mga butas. Ayon sa food explorer, hindi kailangang itapon at sayangin ang ganitong klase ng mga tanim.

"Makikita ninyo, imperfect. Please huwag po tayong masanay na dahil hindi maganda ang hitsura, itinatapon na lang natin. 'Yan po ay fresh from our garden, regalo po 'yan sa atin ng inang kalikasan."

Isa rin sa mga naapektuhan sa init ng panahon ay ang kaniyang leeks. Para hindi ito masayang, ipinakita ni Chef JR ang isang paraan para magamit ito sa kaniyang inihandang recipe.

"'Yung unang napitas natin kumukuluntoy na siyempre sa init ng araw. Ang gagawin ko imbes na masayang, itapon, kasi hindi na siya maganda, ang gagawin ko isasama ko na lang siya sa stock. Magha-harvest na lang ako ng bagong batch para may pang-garnish tayo mamaya."

Sundan ang recipe ni Chef JR sa mixed vegetables with marsh clams sa video sa itaas.

Narito naman ang recipe ni Chef JR sa kaniyang inihandang farm fresh salad with edible flowers.


At panoorin ang paraan ng paggawa ng organic charcoal.




Abangan ang iba pang adventures ni Chef JR sa susunod na episode ng Farm To Table sa GTV.

RELATED CONTENT:

WATCH: Paano magsimula ng pinyahan at urban container gardening?