
Isang iconic na Pinoy dish ang inihanda sa atin ni Chef JR Royol sa Farm To Table.
Nitong May 16, ibinida ng programa ang sarap ng lechon. Ipinakita ni Chef JR ang pagpapalaki ng mga naturally grown native pigs sa isang farm hanggang sa paraan ng paglelechon nila sa mga ito.
Photo source: Farm To Table
Ipinakita rin ni Chef JR ang ilang recipes na puwedeng gawin para i-level up ang lechon.
Ito ay ang Lechon Sinigang sa Talinum at ang Arroz Frito Con Lechon.
Abangan ang mga nakakatakam na dishes ng Farm To Table tuwing Linggo sa GTV.
RELATED CONTENT:
Chef JR Royol, may payo sa paggamit ng mga simpleng sangkap sa pagkain
Chef JR Royol, ibinahagi kung paano niya nabuo ang tapang barako recipe