GMA Logo alden richards and julia montes
What's on TV

Alden Richards at Julia Montes, magsasama sa isang pelikula

By Jimboy Napoles
Published April 17, 2023 6:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

alden richards and julia montes


Sa kauna-unahang pagkakataon, magatatambal sa isang pelikula sina Alden Richards at Julia Montes.

Ibinalita ng TV host na si Boy Abunda sa kaniyang programa sa Fast Talk with Boy Abunda na nakatakdang magsama sa isang pelikula ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards at Kapamilya actress na si Julia Montes.

Sa segment na “Today's Talk” ng naturang programa, sinabi ni Boy na hindi totoo ang ispekulasyon na may pinagdaraanan ang aktres na si Julia dahil sa kaniyang recent Instagram post na “broken heart” na may date na April 18, 2023.

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)

Ayon kay Boy, nilinaw ng management ni Julia na maayos ang kalagayan ng aktres at ang kaniyang trending post ay hindi tungkol sa kaniyang personal na buhay. Sa halip, ito ay isang teaser publicity sa pelikulang pagsasamahan nila ni Alden. Bukas, April 18, ibibigay ang mga detalye para sa naturang pelikula.

Hindi naman ito ang unang beses na ipapareha si Alden sa isang Kapamilya actress dahil nagtambal na rin sila noon ni Kathryn Bernardo sa 2019 film na Hello, Love, Goodbye, na itinuturing na highest grossing Filipino film of all time.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

KILALANIN ANG MGA NAGING LEADING LADY NI ALDEN RICHARDS SA GALLERY NA ITO: