GMA Logo Michael V, Boy Abunda
What's on TV

Michael V., record-breaking ang naging 'Fast Talk' kasama si Boy Abunda

By Jimboy Napoles
Published April 24, 2023 7:09 PM PHT
Updated May 1, 2023 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hussein Loraña, Naomi Marjorie Cesar rule athletics' 800m events at 2025 SEA Games
Baste Duterte slams opening of unfinished road project
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Michael V, Boy Abunda


Michael V., record-breaking sa 'Fast Talk' matapos na anim na tanong lang ang masagot, bakit kaya? Alamin DITO:

Nagdala ng saya ang Kapuso Comedy Genius na si Michael V. sa first episode ng second season ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, April 24.

Bukod sa natural na pagpapasaya, nagtala rin ng record si Michael V. o kilala rin bilang si BItoy na may pinakakaunting tanong na naisagot sa segment na “Fast Talk” kasama ang batikang host na si Boy Abunda kung saan anim na tanong lamang ang kaniyang natapos sagutin.

Bago sumalang sa nasabing segment, nagyabang pa si Bitoy na pinaghandaan niya raw talaga ang pagsalang dito.

“Pinaghandaan ko talaga 'to. Pinanood ko 'yung episodes nung ibang celebrities na nag-guest dito, inaral ko 'yung pattern of questioning mo, alam mo naman ako, hindi ako sasabak sa hindi ko talaga alam e,” ani Bitoy kay Boy.

Hirit pa niya, “I would say you have to change the title, baka gawin na natin 'tong 'Fastest Talk,' dahil second season iba na e. May dagdag ka sana na questions diyan kasi mabilis lang 'to promise.”

Pero nang magsimula nang magtanong si Boy, tila kabaligtaran ng sinabi ni Bitoy ang nangyari.

“Bitoy o Pitoy?” mabilis na tanong ni Boy.

Matagal na nag-isip si Bitoy at sinabing, “Sino 'yun?'”

Dito na humagalpak ng tawa si Boy dahil sa ginawa ni Bitoy pero nagpatuloy pa rin siya sa pagtatanong kahit mabagal pa rin ang naging tugon ng komedyante sa kaniyang mga tanong.

Sa loob ng dalawang minuto, anim na tanong lamang ang nasagot ni Bitoy.

“Six questions, record 'to,” ani Boy.

Sagot naman ni Bitoy, “Sorry guys I think nag-over prepare ako.”

“I loved it. This is the first time I did 'Fast Talk' with six questions and that goes for the book,” biro naman ni Boy.

Samantala, sa nasabing episode, pinag-usapan din ng dalawa ang naging simula ng pagiging komedyante ni Bitoy at ang kung paano tinatanggap ng Pinoy ang comedy.

Mapapanood si Bitoy sa longest-running gag show sa bansa na Bubble Gang at sa weekend sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento sa GMA.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

BALIKAN ANG MOST MEMORABLE CHARACTERS NI MICHAEL V SA GALLERY NA ITO: