
Inamin ng award-winning actress na si Dolly De Leon sa Fast Talk with Boy Abunda na sumama ang kaniyang loob nang hindi siya manomina sa prestihiyisong Oscars.
Matatandaan na tinanghal si Dolly bilang first Filipina actress na nanomina sa Golden Globe Awards at British Academy Film Awards (BAFTA) bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang Triangle of Sadness.
“Were you disappointed that you were not nominated for the academy?” diretsahang tanong ni Boy Abunda kay Dolly.
Sagot naman ni Dolly, “Yes I was, of course.”
Paliwanag niya, “Kasi, Kuya Boy, I was there for two months promoting the film, I went through a what they call an Oscar campaign. Kumbaga, ang trabaho ko is to make sure na mano-nominate kami, yung pelikula, ako, at kung sino man sa amin ang dapat ma-nominate. So, I was away from home for two months, doing that, being away from my children, kumbaga, blood, sweat, and tears 'yun, e.
“Imagine you are working at something that hard and then you don't get it, so siyempre sumama loob ko.”
Pero paglilinaw naman ng aktres, ang kaniyang naramdaman na sama ng loob ay dala lamang ng pagod at naging paghihirap.
Aniya, “Pero 'yung sama ng loob ko, siyempre, it was more of dahil napagod ako at pinaghirapan ko tapos hindi ko nakuha. Pero okay na ako after a while, siguro mga two or three days lang ako nag-mourn, which I think is normal. Kasi, we, as human beings, we are allowed to feel bad, 'di ba? And then, okay na ako, pumunta pa nga ako doon in solidarity with our filmmakers.”
Sa ngayon, abala na rin si Dolly sa kaniyang mga nakapilang proyekto ngayong taon.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
KILALANIN ANG ILANG PINOY CELEBRITIES NA GUMANAP SA INTERNATIONAL FILM AND SERIES SA GALLERY NA ITO: