
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang award-winning actress na si Dolly De Leon sa mga pagkilalang natatanggap niya. Itinanghal siya bilang first Filipina actress na nanomina sa prestihiyosong Golden Globe Awards at British Academy Film Awards (BAFTA) bilang Best Supporting Actress para sa international film na Triangle of Sadness.
Sa panayam ni Dolly sa batikang TV host na si Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ng aktres na mas naging masaya ang estado ng kaniyang buhay ngayon.
Aniya, “I've become a happier person, I was really down in the dumps before anything of this happened. I was really in a bad dark place before.”
Kung may natutunan man si Dolly sa lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa kaniya ngayon ay ang palaging maging mabuting tao.
“What I also learned about this whole thing is that we always have to be kind to everyone that we encounter and that's basically it,” ani Dolly.
Sabi niya pa kay Boy, “Youre right, about that gap between what happened before and who I am now. There's a gap there and there is a transition that happens; and through that transition, the biggest thing I learned is that, 'Buti na lang I was kind to everyone I had known before.'”
Ayon pa sa aktres, may mga taong bumuti na rin ang trato sa kaniya ngayon.
“The big difference is people who have been not so kind suddenly are so kind now,” saad niya.
Tanong naman ni Boy, “How do you handle that?”
“I treat them with kindness. Kung pinili nilang maging mean or snobbish before hindi ko sila gagayahin, I will not stoop to their level,” sagot naman ni Dolly.
Sumang-ayon naman dito si Boy at sinabing, “Ang ganda because kindness also requires humility.”
Sa ngayon, abala na rin si Dolly sa kaniyang mga nakapilang proyekto ngayong taon.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
KILALANIN ANG ILANG PINOY CELEBRITIES NA GUMANAP SA INTERNATIONAL FILM AND SERIES SA GALLERY NA ITO: