
Masaya ang naging kuwentuhan ng batikang TV host na si Boy Abunda at bagong Miss Universe Organization owner na si Anne Jakrajutatip sa programang Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, May 9.
Sa pagsalang ni Anne sa panayam kasama si Boy, hindi ito nakaligtas sa nakaiintrigang mga tanong ng multi-awarded host.
Isa sa naging tanong ni Boy kay Anne, “What do you think about the Filipina beauty?”
Game naman itong sinagot ng Thai businesswoman. Aniya, “Beyond the standard actually. You have four Miss Universe, it means that you really look after the academy for women, for feminism power, you look after and you pay attention to the beauty pageant so much.”
Ayon kay Anne, ang ganda ng Pinay ay nagrerepresenta hindi lamang sa bansa kung di pati sa Asya.
“Miss Universe Philippines become so famous not just in your country but around the world just keep watching you. You represent women not just in your own country but the standard is so high, you represent Asia also,” saad ni Anne.
Samantala, gaganapin naman ang Miss Universe Philippines 2023 ngayong May 13. Ang sino mang mananalo ay siyang magiging kinatawan ng bansa sa nasabing international pageant.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
KILALANIN ANG MGA NAGING MISS UNIVERSE PHILIPPINES SA GALLERY NA ITO: