
Magtatambal sa pelikulang Video City sina Ruru Madrid at Yassi Pressman, na co-production ng GMA Pictures at Viva Films.
Ang Video City ay kilalang video rental shops noong dekada '90. Ito ang magiging pangunahing setting ng pelikula.
"Ito po ay isang fantasy romcom kung saan magta-time travel si Ruru Madrid at siya ay pupunta roon sa Video City kung saan makikilala niya si Yassi Pressman," pagbabahagi ng King of Talk sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes, May 11.
Ayon pa kay Boy, excited si Ruru na makatrabaho si Yassi dahil nakasama na ito ng aktor sa Protege: The Battle for the Big Artista Break at siya ang una niyang naging dancing partner.
Samantala, kasalukuyang napapanood si Ruru bilang Liam sa thriller romance drama na The Write One kasama si Bianca Umali.
Subaybayan ang The Write One, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
MAS KILALANIN SI RURU MADRID SA GALLERY NA ITO: