GMA Logo Matteo Guidicelli
What's on TV

Matteo Guidicelli, nagsalita na sa estado ng relasyon nila ng mga magulang ni Sarah Geronimo

By Jimboy Napoles
Published May 15, 2023 6:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: December 25, 2025 [HD]
Cop in CDO nabbed for indiscriminate firing on Christmas Day
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Matteo Guidicelli


Matteo Guidicelli sa relasyon niya sa mga magulang ni Sarah Geronimo: “Hopefully one day maging okay ang lahat.”

Walang ibang hiling ang aktor na si Matteo Guidicelli kung 'di ang maging maayos na ang lahat sa pagitan nila ng mga magulang ng asawang si Sarah Geronimo na sina Divine at Delfin Geronimo.

Kasabay ng unang araw niya bilang isang ganap na Kapuso, masayang bumisita si Matteo ngayong Lunes sa programang Fast Talk with Boy Abunda upang sumalang sa isang one-one-interview kasama ang batikang TV host na si Boy Abunda.

Bukod sa kaniyang bagong career move, pinag-usapan din nila ang estado ng relasyon niya ngayon sa kaniyang in-laws na sina Divine at Delfin.

Bagamat hindi idinetalye ni Matteo ang tunay na sitwasyon nila ngayon, sinabi ng aktor na iginagalang niya pa rin ang mga magulang ni Sarah.

Aniya, “Unang-una Tito Boy, they are my mom and dad, my father-in-law, and my mother-in-law and I want to respect them in the best way possible.”

Ayon kay Matteo, hiling niya na sana ay maging maayos na ang kanilang relasyon para na rin sa pagkakaroon ng peace of mind ng kaniyang misis na si Sarah.

“I just wish one day everything will be okay because I know how much they love Sarah and I know how much Sarah loves them, too,” ani Matteo.

Dagdag pa niya, “We're civil I would like to believe Tito Boy and I pray every day for strength, wisdom, and humility na hopefully one day maging okay ang lahat for Sarah's peace of mind.”

Nilinaw naman ni Matteo na may koneksyon pa rin si Sarah ngayon sa kaniyang mga magulang.

“Yes, they have a connection naman and I think Sarah's humility would always be love for her parents,” sabi ni Matteo.

Ayon pa sa actor-host, mahalaga na bigyan ng respeto at pagpapahalaga ang mga magulang.

Saad niya, “At the end of the day, It's just so important to realize how much we should honor our parents through thick and thin, whatever happens in life, they are our parents, and they brought us to life and we have to honor them.”

Samantala, May 11 nang pumirma ng kontrata si Matteo sa GMA Public Affairs at nakatakda na rin siyang mapapanood sa iba't ibang programa sa GMA.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

KILALANIN PA ANG NEWEST KAPUSO NA SI MATTEO GUIDICELLI SA GALLERY NA ITO: