GMA Logo Manilyn Reynes
What's on TV

Manilyn Reynes, hindi na nakikita ang pagiging professional at punctual sa mga batang artista

By Jimboy Napoles
Published May 17, 2023 7:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Welcome everyone to the church, says Cardinal Advincula
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Manilyn Reynes


binahagi ni Manilyn Reynes sa Fast Talk with Boy Abunda na hindi niya na nakikita ang pagiging professional at punctual sa ibang batang artista.

Kasabay ng kaniyang 40th anniversary sa show business, bumisita sa Fast Talk with Boy Abunda ang batikang aktres at binansagang Horror Queen ng '90s na si Manilyn Reynes upang sumalang sa isang interview kasama ang TV host at dati niyang manager na si Boy Abunda.

Sa kanilang pag-uusap, ibinahagi ni Manilyn ang tingin niya ay naging dahilan upang siya ay magtagal sa industriya.

Aniya, “Unang-una siguro dahil binigyan tayo ng talent na kailangan nating i-share hindi ba? Nagtagal [ako] dahil po, hindi po ako nagbubuhat ng [sariling] bangko, pero napaka-professional ko po Tito Boy and you know that.”

Ayon kay Manilyn, bilang isang professional na artista, ginagawa niya nang maayos o higit pa sa kinakailangan ang kaniyang trabaho. Bukod dito, nirerespeto niya rin ang oras ng kaniyang mga kasamahan.

Kuwento niya, “Kapag may kailangan akong gawin sa trabaho ko, ginagawa ko po talaga and more, kung puwede pang gawing more. Napaka-punctual ko po, totoo po 'yan.”

Kaugnay nito, muling nagtanong si Boy, “Ito bang katangiang ito naiintindihan ito ng mga batang artista?”

“Hindi po. I'm sorry to say it's sad really,” mabilis naman na sagot ni Manilyn.

Dagdag pa ni Manilyn, naranasan niyang maghintay sa isang artista nang nasa tatlo hanggang apat na oras at minsan ay hindi pa nito kabisado ang script sa kanilang eksena.

“Ako kasi kung alas-otso ang call time ko or seven, I leave the house at like four thirty or five. Hindi baleng mapaaga ako basta nandoon na ako sa area,” anang aktres.

Patuloy pa niya, “Oo totoo po magpapa-make-up ka pa, pero kung nasa eksena ka na, sana po hindi na nag-i-script, alam mo na dapat 'yung gagawin o sasabihin.”

Nagsimulang maging artista si Manilyn sa edad na 10 at nagtuloy-tuloy ang kaniyang karera hanggang sa makilala bilang isang mahusay na singer at binansagan pa siya bilang “Star of the New Decade,” at “Horror Queen” noong '90s.

Sa ngayon ay napapanood si Manilyn sa weekend comedy program na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA MANILYN REYNES AT KANIYANG ASAAWA NA SI ALJON JIMENEZ SA GALLERY NA ITO: