GMA Logo julie anne san jose
Source: myjaps, justsarahgph, (Instagram)
What's on TV

Julie Anne San Jose, handang mag-perform kasama si Sarah Geronimo

By Jimboy Napoles
Published May 24, 2023 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

julie anne san jose


Julie Anne San Jose sa posibleng back-to-back concert nila ni Sarah Geronimo: “Oh my God, na-pressure ako.”

Tiyak na paghahandaan raw ng Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataon na makapag-perform kasama ang kapwa singer na si Sarah Geronimo.

Sa muling pagbisita ni Julie Anne sa programa nitong Fast Talk with Boy Abunda, isa sa mga napag-usapan nila ni Boy Abunda ang posibleng back-to-back concert nila ni Sarah.

Dito ay binasa ni Boy ang isang katanungan mula sa isang netizen sa Facebook page ng programa na, “Lalaban kaya siya sa isang back-to-back concert with Sarah G?”

Saglit naman na napatigil si Julie Anne at nakangiting sinabi, “Oh my God, na-pressure ako.”

Ayon kay Julie Anne, hindi siya lalaban sa isang back-to-back concert kasama si Sarah.

Aniya, “Unang-una, Tito Boy, hindi po ako lalaban because there is only one Sarah Geronimo, there can only be one Sarah Geronimo.”

Pero para kay Julie Anne, isang karangalan ang maka-duet ang iniidolong singer at talagang paghahandaan niya ito kung sakaling magkaroon siya ng oportunidad.

“It would be an honor na maka-duet po si Miss Sarah because I really look up to her,” ani Julie.

Dagdag pa niya, “More on like maghahanda, yes po, definitely. Isa siya sa naging influences ko rin sa music.”

Samantala, abangan naman si Julie Anne sa finale ng The Clash 2023 ngayong Linggo, 7:50 p.m. bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA. Mapapanood din ito via livestream sa YouTube channel at Facebook page ng The Clash at sa Facebook page of GMA Network.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI JULIE ANNE SAN JOSE SA GALLERY NA ITO: