GMA Logo Joshua Garcia
What's on TV

Joshua Garcia, may ikinuwento tungkol sa matinding kissing scene nila ni Jodi Sta. Maria

By Jimboy Napoles
Published May 25, 2023 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

HPG officer relieved after mauling patrolman
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Joshua Garcia


Inamin ni Joshua Garcia na pinaghandaan nila ang matitinding kissing scenes nila ni Jodi Sta. Maria at Gabbi Garcia sa 'Unbreak My Heart.'

Ibinahagi ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia sa Fast Talk with Boy Abunda na dumaan sila sa isang sensuality workshop para sa matitinding kissing scenes nila ni Jodi Sta. Maria at Gabbi Garcia para sa groundreaking series na Unbreak My Heart.

Ngayong Huwebes, first-time na napanood ng live sa GMA Network si Joshua sa kaniyang pagsalang sa panayam kasama ang batikang TV host na si Boy Abunda.

Isa sa una nilang pinag-usapan ay ang kissing scene nila ng award-winning actress na si Jodi na napanood sa isa sa trailer ng nasabing series.

Ayon kay Joshua, malaki ang naitulong ng sensuality workshop upang magawa nila ng tama ang nasabing intimate scene.

Aniya, “Akala ko kasi challenging siya pero mabuti na lang po e, dumaan kami sa sensuality workshop and natulungan kami, naging detelyado kami Tito Boy e, the way we kissed, kung gaano katagal.”

Dagdag pa niya, “Doon kasi sa sensuality workshop Tito Boy, doon mo malalaman kung hanggang saan lang 'yung limit mo, kung hanggang saan lang 'yung puwede mong hawakan, puwede mong halikan, kung gaano katagal, sobrang detailed, kung may tongue ba 'yan, without tongue, lahat.”

Nagpapasalamat naman si Joshua sa tiwala ng kaniyang leading ladies sa series na sina Jodi at Gabbi.

“Grabe yung pasasalamat ko kay Gabbi and Jodi kasi sobrang laki ng pagtitiwala nila sa akin kasi importante 'yun e na may tiwala ka sa partner mo and yung pagtitiwala nila sa akin na halikan sila sa eksena, sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanila,” ani Joshua.

Nang tanungin naman ni Boy si Joshua kung pareho lang ang kaniyang paghalik sa eksena at sa totoong buhay, ito ang kaniyang naging sagot, “Oo, yes Tito Boy, ang difference lang is dito kasi walang tongue, sa totoong buhay kasi you can use your tongue.”

Samantala, mapapapanood na ang Unbreak My Heart sa darating na May 29, 2023. Ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.

Para naman sa advance streaming, maaari itong mapanood sa May 27,9:00 p.m. sa GMANETWORK.com, iWantTFC, at Viu.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG SWOON-WORTHY PHOTOS NI JOSHUA GARCIA SA GALLERY NA ITO: