
Naging bukas ang Kapuso singer at Asia's Romantic Balladeer na si Christian Bautista sa usapin ng 'di umano'y “rivalry” nila ng kapwa singer na si Erik Santos.
Taong 2003 nang maging magkatunggali sina Christian at Erik reality show singing competition na Star In A Million. Sa nasabing kompetisyon, tinanghal na grand champion si Erik habang fourth placer naman si Christian.
Sa pagsalang ni Christian sa isang interview kasama ang TV host na si Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, May 30, kinumusta ni Boy ang estado ng pagkakaibigan nina Christian at Erik sa kabila ng pagiging “rivals” nila.
Ayon kay Christian, walang naidudulot na masama sa kanila ni Erik ang kompetisyon, bagkus ay nakatutulong pa ito upang mas maging mahusay sila na singer.
Aniya, “Its a great place to be in kasi kahit na rivals kami at kahit na friends kami we bring out the best in each other so kapag meron siyang nilabas [na kanta], okay gusto kong galingan din kasi ginalingan niya, kapag meron naman akong nilabas, gusto rin niyang galingan so ang nagbe-benefit talaga is our fans and our audience.”
Dagdag pa ng singer, “So we keep that in mind, we are the best of friends, and yet we have to do our best in every show.”
Sinangayunan naman ni Boy ang sinabi ni Christian. Aniya, “Ang gusto ko naman doon, competition can fuel excellence.”
Kuwento naman ni Christian, nang bigo siyang manalo sa Star In A Million, hindi pa rin siya sumuko sa pangarap na maging isang sikat na singer hanggang sa mag-audition siya sa isang music label na nagbigay sa kaniya ng awiting “The Way You Look At Me,” na ayon sa kaniya ay. “The song that change my life.”
Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
BALIKAN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI CHRISTIAN BAUTISTA SA GALLERY NA ITO: