GMA Logo Gardo Versoza
What's on TV

Gardo Versoza, inakalang mamamatay na siya nang atakihin sa puso at mag-agaw buhay

By Jimboy Napoles
Published June 6, 2023 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rising P-pop group 1st.One to hold Asia Tour in 2026
Complete list of winners at the MMFF Gabi ng Parangal
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Gardo Versoza


Gardo Versoza, nang atakihin noon sa puso: “Parang [I'm] about to leave this world.”

Inamin ni Gardo Versoza sa Fast Talk with Boy Abunda na naisip niya na noon ang katapusan ng kaniyang buhay nang sumailalim siya sa angioplasty matapos siyang atakihin sa puso nito lamang Abril 2023.

Sa pagsalang ni Gardo sa “Fast Talk” kasama ang kaibigan at batikang TV host na si Boy Abunda, isa sa naging katanungan ng huli ay, “Kulay ng buhay mo ngayon?”

Sagot naman ni Gardo, “Bright red.”

Nang matapos ang naturang segment, binalikan ni Boy ang naging sagot ni Gardo.

“Bakit bright red?” tanong ni Boy sa batikang aktor.

Ayon kay Gardo, may kinalaman ang kaniyang naging sagot sa nangyari sa kaniyang heart attack kung saan inakala niya na noon na magtatapos na ang kaniyang buhay.

Aniya, “Kasi siguro dahil doon sa heart, parang umabot ako doon sa point na parang [I'm] about to leave this world may ganoong feeling siya.”

Kuwento pa ni Gardo, hindi niya inakala na magiging kalmado siya noong mga oras na siya ay nag-aagaw buhay na.

Paglalahad niya, “Ang positive thing about it is that ganoon pala 'yung feeling, akala ko noong una nakakanerbiyos, pero come to think of it parang ibibigay mo na lahat kay Lord e, surrender.”

“Pinagdasal ko na, 'If ever po na this is my time, kayo na po ang bahala doon sa mag-ina.' Wala naka-relax lang [ako] habang ginagawa 'yung procedure,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay naghahanda naman si Gardo sa ikalawang pagsailalim niya sa angioplasty procedure na hindi isinabay noon dahil sa nangyari sa kaniyang heart attack.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN NAMAN ANG BIKE ADVENTURES NI GARDO VERSOZA SA GALLERY NA ITO: