GMA Logo jackie lou blanco and ricky davao
What's on TV

Jackie Lou Blanco sa paghihiwalay nila ni Ricky Davao: 'Sana hindi na lang'

By Jimboy Napoles
Published June 9, 2023 7:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

jackie lou blanco and ricky davao


Jackie Lou Blanco: “Siguro kung meron akong babaguhin sana hindi kami naghiwalay ni Ricky."

Inamin ng seasoned actress na si Jackie Lou Blanco sa Fast Talk with Boy Abunda ang isang bagay na gusto niyang baguhin sa kaniyang nakaraan na may kinalaman sa kaniyang ex-husband na si Ricky Davao.

Sa panayam ni Jackie Lou kasama ang batikang TV host na si Boy Abunda, isa sa kanilang pinag-usapan ay tungkol sa kanilang “regrets” sa buhay.

Aminado si Jackie Lou na marami rin siyang pinagsisihan na mga maling bagay na kaniyang nagawa noon. Pero mula sa mga pagkakamaling ito ay natutunan niya ring patawarin ang kaniyang sarili.

Aniya, “I have many regrets but after a while kasi you need to move on and say, 'Okay this is what I've learned. ' Kung ano man 'yung hindi ko ginawang tama dati, hindi ko na siya gagawin."

Dagdag pa niya, "You need to forgive yourself for the wrong things you have done."

Matapos ito, muling nagtanong si Boy kay Jackie, “Kung mayroon kang gustong baguhin sa iyong nakaraan? Ano ito at bakit?”

Ayon sa batikang aktres, isa sa gusto niyang baguhin sa nakaraan ay ang naging paghihiwalay nila ng dating mister na si Ricky.

“Siguro kung meron akong babaguhin sana hindi kami naghiwalay ni Ricky [Davao],” saad ni Jackie Lou.

Patuloy niya, “Only because I can see how affected my children were. Although they are very understanding… Pero you know that they have been affected in many ways so sana hindi na lang para hindi sila naapektuhan in those ways.”

Sa kabila nito, tanggap ni Jackie Lou na hindi na maibabalik pa ang nangyari sa relasyon nila ni Ricky kung kaya't mahalaga sa kaniya ngayon ang pagiging mabuting magulang na lamang nila sa kanilang mga anak.

Aniya, “Pero what I can only do now, well, both of us are to co-parent still and to still do what we can with what we have now kasi hindi mo na puwedeng baguhin 'yun e.”

Sumang-ayon naman dito si Boy, “At saka you can't work on the things you don't have anymore.”

Samantala, mapapanood naman si Jackie Lou sa bagong kilig series ng GMA na Love At First Read simula sa Lunes, June 12, 5:40 p.m. bago ang 24 Oras.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG ILAN SA BEAUTIFUL OLD PHOTOS NI JACKIE LOU BLANCO SA GALLERY NA ITO: