
Sa pambihirang pagkakataon, muling napanood sa GMA Network ang tinaguriang Queen of Philippine Soap Opera na si Judy Ann Santos-Agoncillo sa ika-100 episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, June 13.
Sa nasabing episode, magkahalong emosyon ang naramdaman ng TV host na si Boy Abunda nang i-welcome niya si Judy Ann sa kaniyang programa.
Sa kanilang panayam, matapos sumalang ng aktres sa “Fast Talk,” agad na tinanong ni Boy si Judy Ann kung bukas ba itong gumawa ng proyekto sa GMA.
“Are you open to working dito sa GMA-7?” tanong ni Boy kay Judy Ann.
Ayon naman kay Judy Ann, noon pa man ay maayos na ang relasyon niya sa Kapuso network kung kaya't bukas siya na magkaroon ng proyekto dito.
“Oh yeah. I've always had a good relationship with GMA-7,” sagot ng aktres.
Dagdag pa ni Judy Ann, “I made Ouija under GMA films, nagge-guest ako sa SOP, I'd be their co-host, I mean, very open 'yung relationship ko sa GMA-7.”
Pagbabahagi pa ni Judy Ann, gusto na rin niya na muling gumawa ng serye na aayon sa kaniyang schedule para sa kaniyang pamilya.
Aniya, “Gusto kong gumawa ng series but I cannot commit my time to a long-term series, limited series is okay because I still want to have control over my schedule and plan my time with my family.”
Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
SAMANTALA SILIPIN ANG MGA LARAWAN SA RECENT VACATION NI JUDY ANN SANTOS KASAMA ANG KANIYANG PAMILYA SA JAPAN SA GALLERY NA ITO: