GMA Logo Wendell Ramos
What's on TV

Wendell Ramos, payag ba na magpa-sexy ang kaniyang mga anak?

By Jimboy Napoles
Published June 21, 2023 9:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Wendell Ramos


Papayag kaya ang hunk actor na si Wendell Ramos kung gumawa din ng sexy projects ang kaniyang mga anak na sina Saviour at Tanya?

Bahagi ng naging pagsikat ng celebrity dad at hunk actor na si Wendell Ramos ang kaniyang mga naging sexy projects noon. Ngayong nasa show business na rin ang kaniyang dalawang anak na sina Saviour at Tanya, papayag kaya siya na pasukin din nila ang pagpapapa-sexy?

Sa panayam ng TV host na si Boy Abunda sa pamilya Ramos sa Fast Talk with Boy Abunda, agad na sinagot ni Wendell ang tanong na ito.

“Go,” sagot ng aktor.

Paliwanag niya, “Because we have limitation naman and alam naman natin na ang sexy it doesn't necessarily mean na kailangan mag-sexy ka all the way.”

Dagdag pa ni Wendell,”Merong mga projects ako na nagawa na sexy pero tama lang, lumalabas naman na sexy for the story itself.”

Tinanong naman ni Boy sina Saviour at Tanya kung ano talaga ang gusto nilang ma-achieve sa kanilang mga karera.

“Gusto ko po talagang maging performer kasi I really love to sing and dance,” nakangiting sinabi ni Tanya.

Para naman kay Saviour, gusto niyang maging versatile actor balang araw.

“Sa acting po Tito Boy gusto ko po talaga na maging flexible na artista like lahat ng roles na gustuhin ko kaya ko po talaga,” ani Saviour.

Kasalukuyang napapanood ngayon sina Wendell at Saviour sa finale week ng GMA Afternoon Prime series na AraBella, habang si Tanya naman ay sa digital series na In My Dreams.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG HOTTEST PHOTOS NI WENDELL RAMOS SA GALLERY NA ITO: