GMA Logo Kakai Bautista
What's on TV

Kakai Bautista on her relationhip status: 'I chose to be single sa phase ng buhay ko na ito'

By Jimboy Napoles
Published June 21, 2023 8:09 PM PHT
Updated June 21, 2023 8:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel escapes NLEX, advances to Philippine Cup semis
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 25, 2025 | Balitang Bisdak
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Kakai Bautista


"No distractions," ito ang sinabi ni Kakai Bautista sa estado ng kanyang buhay ngayon. Pero kamusta na nga ba ang kanyang love life?

Proud na ibinahagi ng comedienne-actress na si Kakai Bautista sa Fast Talk with Boy Abunda na masaya siya ngayon sa kaniyang buhay bilang single.

Sa panayam ni Kakai kasama ang kaniyang kaibigan at kapwa komedyante na si Cai Cortez kay Boy Abunda, tinanong ng huli ang dalawa kung kaya ba nilang mabuhay nang walang lalaki.

Sagot dito ni Kakai, “Sa ngayon, oo.”

Paliwanag niya, “Pero wala naman kasing nabubuhay talaga nang walang kasama pero I chose to be single sa phase ng buhay ko na ito na I'm just enjoying my life on my own, no distractions.”

Ayon kay Kakai, pinili niya ngayon ang maging single.

Aniya, “Kasi Tito Boy late na akong nag-start mag-enjoy sa buhay so gusto ko munang namnamin 'yun para ready na ako when I fall in love again.”

Para sa aktres, mas magiging handa siyang pumasok sa isang relasyon kung magagawa niyang mahalin muna ang sarili.

“I'm so ready because I have embraced myself wholeheartedly and completely para wala na masyadong issues kapag nagkaroon ako ng love life,” ani Kakai.

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG SEXY BEACH PHOTOS NI KAKAI BAUTISTA SA GALLERY NA ITO: