GMA Logo kakai bautista
What's on TV

Kakai Bautista, may napaluhod na lalaki?

By Bianca Geli
Published June 22, 2023 5:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

kakai bautista


Ibinahagi ni Kakai Bautista kay Boy Abunda sa 'Fast Talk with Boy Abunda' ang mga karanasan niya s apag-ibig.

Mga karanasan sa pag-ibig ang binalikan ng comedienne-actresses na sina Kakai Bautista at Cai Cortez sa June 21 episode ng Fast Talk with Boy Abunda.

Isa sa mga tanong ni Boy Abunda kina Kakai at Cai, "Kaya mo bang mabuhay ng walang lalaki?"

Diretsahang na sagot ni Kakai, "Sa ngayon, oo. Wala namang nabubuhay ng walang kasama, but I choose to be single sa phase ng buhay ko na ito ngayon. I'm just enjoying being on my own--no distraction. Kasi, Tito Boy, late na ako nag-start mag-enjoy sa buhay. Gusto ko na munang namnamin 'yun."

Dagdag ni Kakai, kapag dumating na ang tamang pagkakataon para sa pag-ibig, alam niyang magiging handa na siya dahil nabigyan niya na ang sarili niya ng sapat na self-love.

Sunod na tanong naman ni Tito Boy, "[Ano ang] pinakaimportanteng leksyon na natutunan niyo sa mga lalaki?"

Tugon ni Kakai, "May nagsabi sa akin na friend ko noon na, "You're not in love, you're just in love with the thought of being in love."

Patuloy niya, "I think siguro, a few men, I was really [in love with some men.] Pero siguro 'yung iba naisip ko masarap lang na may kausap."

Ayon kay Kakai, hindi niya maipagpapalit ang trabaho para sa pag-ibig.

"Sa mga past ko na non-showbiz ang laging nagiging problema, hindi ko kayang ipagpalit 'yung trabaho ko."

Priority umano ng aktres ang career at mga kaibigan bago ang sinomang lalaki. "Hindi ko mahati 'yung time ko with love and work. 'Pag sa work ko and friends ko, una talaga sila."

Para kay Kakai, kapag paulit-ulit na lang ang isyu sa relasyon, mas pipiliin niya na lang na makipaghiwalay.

Katuwiran niya, "Kasi kapag nagsawa na ako sa mga paulit ulit na issue sa relationship--babu!

"Meron ako naging mga relationship na kapag nainis ako sa'yo at paulit-ulit na lang ang dahilan, kaya kong hindi ka kausapin ng three months unless you find a way, mag-reach out ka sa akin."

Nabanggit din ni Kakai na may isang beses pang nagawang lumuhod ng isang lalaki para lamang mapatawad niya.

Pag-alala niya, "Meron pa nga dati, sinabi ko dati, lumuhod ka sa harapan ko. Hindi lang halata sa face, pero siguro masyado akong strong."

Sa huli, nag-iwan ng payo si Kakai, na huwag maging masyadong martyr para sa pag-ibig.

"Kapag binibigyan mo ng permission 'yung tao na saktan ka ng paulit ulit, mangyayari pa 'yan kahit sa ibang mga relasyon mo."

CHECK OUT KAKAI AND CAI'S FTWBA INTERVIEW HERE: